Bakit kaya ganun? Tuwing nanonood na lang ako ng pelikulang pinoy na “love story” lagi na lang ang istorya merong isang mahirap na na-in love sa mayaman?  Na laging may kontra sa pag-iibigan nila pagkatapos sa huli, sila rin naman ang magkakatuluyan?

Sa huling pelikula na pinanood ko, yung bida anak ng Presidente. Yung leading lady gumaganap na representative ng isang organisasyon. Tapos nagkalapit sila noong magkaroon ng ïmmersion” sa probinsya. Ang tema  hindi sila bagay pero sa bandang huli, di pa rin napigilan ang feelings nila sa isa’t isa.   Nagkaroon ng maraming attempt para may mga kilig moments ang pelikula. Di ko hinuhusgahan ang pelikula kaya lang lagi na lang ganito ang tema. Sa movie na ito parang masyadong mataas ang level ng leading man – isang anak ng Presidente. Noon pa, laging ganito. Isang mahirap  na na-in love sa mayaman. Minsan may tutol o kontrabida na gustong sirain ang pag-iibigan ng dalawa.  Pero, ang ending ng story sila pa rin matapos ang isang eksena na ikakasal na or paalis na sa ibang bansa yung lalake o babae at hahabol yung isa.  Bakit kaya ganun?

There was really an honest to goodness effort to create that “kilig factor” like those scenes in the province where the leading characters   are in the ricefields playing with mud and appearing so sweet.  Pero next time sana tanggalin na yung mga dialogues na “mukha syang katulong” or any statement to that effect. 

In any way, I consider this movie as something to be considered in a weekend. (Photo from Google)

Posted in

Mag-iwan ng puna