Isa sa matinding problema dito sa Pinas na hindi mabigyan ng solusyon ay ang trapik. Wala ng oras na pinipili.  Dati tuwing “rush hour” lang pero ngayon kahit tanghali na ay wala pa ring galawan ang mga sasakyan. Mas lalo pang grabe ang sitwasyon  kapag umulan kahit kaunti. Minsan nga pakiramdam ko mas madali pa ang pumunta ng Cebu kaysa magbiyahe mula Fairview hanggang Pasay.

Kapag ganito katindi ang trapik marami talagang nasasayang na oras. Nababawasan ang pagiging produktibo nating mga Pilipino. Sabi ng mga kaibigan kong galing sa ibang bansa tulad ng Amerika ay hindi raw ganito katindi ang problema nila sa trapik.  Ito raw ang isa sa  ayaw nila sa Pinas – ang matinding trapik.

Sana magtulungan tayong lahat para mabigyan ng solusyon ang napakatagal ng problemang ito. Mahabang pasensya ang kailangan! Ang maganda lang siguro sa trapik ay lumalakas ang benta ng ating mga kababayang nagtitinda sa daan.

Posted in

Mag-iwan ng puna