Mabilis lang ang pagkuha ng Police Clearance sa Pasay. Pagdating sa City Hall ng Pasay ay diretso ka kung saan kumukuha ng sedula. Dapat kasi may sedula ka bago makakuha ng Police Clearance. May pila. Marami rin ang nakapila sa kuhaan ng sedula. Okay lang naman kasi may nag-aasist. May nagtuturo kung saan ka pipila. Ibig sabihin may empleyado na taga City Hall na nag aayos ng pila sa mga taong gusto kumuha ng PC. Pwede ka rin sa kanya magtanong.

Dahil may pandemic, dapat kang sumunod sa lahat ng itinakdang health protocols gaya ng pag-susuot ng mask at face shield. Kapag wala kang mask at face shield hindi ka papasukin sa loob ng City Hall ng Pasay. Pagpasok mo pa lang sa City Hall ay may daraanan ka na may parang usok para ma sanitize ka. I che check din ang temperatura mo gaya sa pagpasok sa mga mall.
May maliit kang papel na dapat i-fill up bago ka pumila. Kaya mas maige na may dala kang sarili mong ballpen. Mag dala ka rin ng valid ID gaya ng lisensya. Mas okay kung dalawang valid ID ang dala mo. Pero noong kumuha ako isang valid ID lang ginamit ko. Para lalong maka-iwas sa Covid ay magdala ka na rin ng sarili mong alcohol. Sumunod ka rin sa social distancing sa pag-kuha mo ng sedula at PC.
Kapag natawag ka na ay iaabot mo ang maliit na papel na hawak mo. Itatanong din kung bakit ka kumukuha ng sedula. Kapag ang sagot mo kung bakit ka kumukuha ng sedula ay para sa PC, ang bayad ay P44.00. Kapag para sa travel abroad, ang bayad sa cedula ay P200.00.
Dapat kapag ang dahilan mo sa pagkuha ng PC ay for travel abroad ay sabihin mo na para mabayaran mo ng maayos. Kapag kukuha ka na kasi ng PC ay tatanungin din ang purpose mo. Kapag kulang ang iyong binayaran ay pababalikin ka rin. Dapat bayaran mo ang kulang bago mo makuha ang PC at ID mo.
Pagkatapos mong bayaran ang sedula ay bibigyan ka ng resibo. Ingatan mo ang resibong ito kasi kailangan mo ito sa pagkuha ng PC.
Pagkabayad mo at pagkabigay ng resibo ay diretso ka na sa opisina ng pulis sa dulo kung saan malapit sa kulungan ng mga preso. May notice naman na nakasulat ng malaki kung saan kukuha ng Police Clearance.
Mabilis lang ang pagkuha ng PC. May mga steps lang na dapat gawin. Iaabot o ilalagay mo lang sa lagayan ang resibo ng pinagbayaran mo tapos magbabayad ka ng P250.00. Mayroon kang papel na ipi fill up. Ayusin mo ang pag fill-up kasi ito ang detalyeng ilalagay sa PC at ID mo na ipi- print gaya ng iyong pangalan, address at birthday mo.
Hintayin mong tawagin ang pangalan mo. Wag mong kalimutan mag suot ng mask, face shield at mas mabuti kung may dala kang sariling ballpen at alcohol. Huwag mo ring kalimutang sumunod sa social distancing sa loob ng opisina ng pulis kung saan kinukuha ang Police Clearance.
Kukunan ka ng fingerprint at litrato. Tatanungin ka kung okay o walang mali sa computer screen sa detalyeng inilagay mo. Basahin mong mabuti bago ma i-print ang clearance at ID. Kasi kapag may mali o may gusto kang baguhin sa clearance o ID mo matapos itong magawa ay magbabayad ka ng additional na P150.00.
Ang kwento ko sa pagkuha ng Police Clearance ay base lamang sa aking karanasan. Kung may iba kang naging experience sa pagkuha ng PC ay sana i share mo sa comment para mabasa ng iba.
Ang makukuha mo ay isang clearance at ID kaya masasabi kong sulit na rin ang gastos. Sana ay laging ganito kadali at kaayos ang pagkuha ng ibang dokumento at ID sa gobyerno.
Mag-iwan ng puna