May ganito ka rin bang problema sa iyong buhay –
“Mayroon akong ‘jowa’ o girlfriend. Mahigit na anim na buwan o six months na kaming mag-on. Dati ay lagi niya akong tinitext. Dati lagi kaming magka-txt ng umaga hanggang gabi. Dati ay lagi niya akong tinitxt ng “good morning”, “good night”, “kamusta ka” at iba pang mga txt.
Sa madaling salita, dati ay sweet ang gf ko pero ngayon ay parang nawawalan na sya ng gana at madalang na lang niya akong i-text. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Ang ganitong problema ay common sa buhay natin. Madalas kapag bago pa lang kayo ng iyong gf o jowa ay panay ang inyong text sa isat-isa. Pero sa paglipas ng buwan ay bigla na lang magiging madalang ang pag-tetext ng isa sa inyo dahil sa ibat-ibang kadahilanan.
Kapag ang jowa mo ay para bang nawawalan na ng gana mag-text sa iyo, ang dapat mong gawin ay HAYAAN mo lang sya. Iwasan mo ang mag-text ng paulit-ulit sa jowa mo. Kapag tinext mo siya ng isang beses, hintayin mo na lang ang reply ng jowa mo o gf mo.
Ang maling gagawin mo ay ang paulit-ulit na itext ang gf mo hanggang makulitan na siya sa iyo. Huwag mong ipakita na ikaw ay desperado o para bang katapusan na ng mundo mo kapag hindi nag reply ang jowa mo.
Ang isang tunay na lalaki gaya mo ay hindi desperado at mahina. Huwag kang magpakita ng kahinaan sa jowa o gf mo dahil mas lalo siyang mawawalan ng gana sa iyo. Kapag tinext mo ang jowa mo at hindi siya nag-reply ay huwag kang mag-panic. Hintayin mo lang siyang mag-reply. Kapag hindi na nag text back o nag-reply ang jowa mo, ang dapat mong gawin ay ang i-let go siya o palayain mo na. Huwag mong habulin! Marami pang ibang babae na darating sa buhay mo.
Mag-iwan ng puna