Totoo ang kasabihan na maikli lang ang buhay natin. Mabilis lang lumipas ang panahon. Hindi natin namamalayan, bagong taon na naman.
Kaya dahil maikli lang ang buhay, hindi natin dapat sayangin ang panahon. Bawat minuto ay mahalaga. Kapag nagdaan na ang oras, wala na yun. Hindi na maibabalik ang mga nagdaang araw sa ating buhay.
Maikli lang ang buhay kaya dapat natin itong ma-enjoy. Ang tanong lang ay paano natin ma-eenjoy ang ating buhay?
Upang ma-enjoy natin ang ating buhay nararapat na matuto tayong mag pasensya sa mga malilit na bagay. Yung mga “small things” na nakakagalit sa iyo, hayaan mo na lang. Let it go! Halimbawa, inunahan ka sa pila, may nag-sungit sa iyo, nasagi ang motor mo o kaya naman ay nagasgas ang sasakyan mo ng hindi sinasadya. Hayaan mo na yun. Maliit na bagay lang yun.
Kapag natuto kang mag-pasensya sa mga maliit na bagay at kaya mo na itong palampasin ng para bang walang nangyari ay mababawasan ang iyong mga problema. Minsan kasi dahil lang sa maliliit na bagay na kaya naman natin palampasin ay hindi natin na-eenjoy ang ating buhay.
Mag-pasensya sa mga maliliit na bagay. Learn to let go! Kapag natutunan mo ang simpleng paraan na ito ay tiyak na maeenjoy mo ang buhay.
Mag-iwan ng puna