Nag-apply ako ng MP2 sa Pagibig Fund sa kanilang branch sa may Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Dito sa branch na ito ng Pagibig ay umaga pa lang marami ng tao ang nakapila. Kaya dapat kung mayroon kang transaksyon sa Pagibig ay maaga kanmating dito. Kung kaya mo, alas-sais pa lang ng umaga nandito ka na.

Pangalawang balik ko na ito. Noong una kasi akong pumunta, tanghali na ng dumating ako. Mga alas-diyes na ng tanghali yun. Nung nagtanong ako sa guard ang sabi niya ay bumalik na lang ako bukas ng mas maaga. Wala na raw kasing number. Ibig sabihin ay naka-quota na. Mayroong limit kung ilang tao lang ang pwedeng pumasok sa loob ng opisina ng Pagibig sa isang araw.

Kaya ang tip ko kapag mayroong transaksiyon ka sa Pagibig, lalo dito sa kanilang branch sa Commonwealth ay dapat maaga kang dumating at pumila. Mas mabuti rin kung pupunta ka ng Martes, Miyerkules at Huebes. Sabi nila mas marami raw ang mga tao tuwing Lunes at Biyernes.

Dahil maraming tao ang nagpupunta sa Pagibig, dapat ay lagi kang may baon na pasensya. Tyaga lang. Matuto kang maghintay at sumunod sa pila.

Kapag nagtatawag na ang guard ay makinig kang mabuti. Kapag nalampasan ang iyong number dahil hindi mo narinig, ay mauunahan ka ng ibang nakapila. Maari ring balik kasa hulihan ng pila.

May proseso naman kapag natawag ka. Airconditioned ang loob ng opisina ng Pagibig. Mababawasan ang init ng ulo at katawan mo kapag nakapasok ka na sa loob. Lagi mo lang titingnan ang number na nasa screen para wag ka malampasan.

Bago ka rin pumunta sa opisina ng Pagibig ay tingnan mo na rin online kung ano ang mga requirements. Alamin mo na rin kung qualified ka sa mp2 program ng Pagibig para hindi masayang ang oras mo.

Masasabi kong sulit ang hirap at mahabang pila sa Pagibig para magkaroon ka ng mp2 account. Malaki kasi ang magiging interes ng investment mo dito sa mp2. Madali pa ang mag-invest. Pwede mong gamitin ang gcash mo para maghulog. Kaya kung gusto mong magsimula ng investment ay bisitahin mo ang website ng Pagibig at tingnan ang benepisyo kapag nagkaroon ka ng mp2 account.

Simulan mong mag-invest. Kahit pakonti-konti lang. Sa pagdaan ng panahon, malalaman mong malaki na ang pera mo dito na magagamit mo sa iyong pagtanda o ano mang mga bagay na gusto mo.

Posted in

Mag-iwan ng puna