Naobserbahan ko dito sa Canada na kapag sumasakay ng bus, ang karaniwang gamit ay ang “Presto Card”. Pero pwede ring magbayad gamit ang barya.

Ano ba itong “Presto Card”? Ang card na ito ay sina-swipe bago ka pumasok sa bus. Nilalagyan ito ng load malapit sa may istasyon ng bus. Dahil card ang gamit ng karamihan ng mga sumasakay sa bus ay mas madali ang proseso ng pagsakay sa bus.

Ang bus fare ngayon dito sa may Ontario, Canada ay 3.25 CAD. Ang maganda sa pagsakay ng bus rito ay may tinatawag na “free transfer”. Ibig sabihin mula sa una mong pagsakay sa bus ay libre sa loob ng dalawang oras. Hindi mababawasan ang laman ng card mo kahit mag palit-palit ka ng bus sa loob ng dalawang oras.
Gusto ko ring banggitin na hindi masyadong siksikan ang mga bus dito sa Ontario, Canada. Minsan ay maraming tao sa ilang bus stops. Pero, hindi sya kasing dami ng mga tao o siksikan kumpara dyan sa atin sa Pilipinas.
Yung mga Persons With Disabilities o (PWD) ay accessible para sa kanila ang sumakay ng bus. Nag “lo lower” ang mga bus dito upang bigyang daan ang mga PWD. Marami nga akong nakita na matatanda rito sa Canada na naka-walker. Yung “walker” ay para itong may gulong na itinutulak ng mga matatanda para tulungan silang tumayo at makalakad.
Sa loob ng bus ay may tinatawag na “priority seating” kung saan ay naka reserve ang mga upuan para sa mga bata o sa nga PWD. Kapag may dumating na matanda, PWD o nanay na may dalang mga bata dapat ay pagbigyan sila sa nga upuan. Kailangan mong lumipat sa likod.
Masasabi kong maayos at efficient ang pagsakay ng bus dito sa Toronto, Canada area. May sistema at malinaw na proseso sa pagsakay ng bus. Ang kailangan lang ay alam mo kung saan ka bababa o ang iyong destinasyon.
Dapat din ay lagi kang may dalang cellphone para ma track mo via google map apps ang destinasyon mo, numero ng bus na dapat mong sakyan at ang oras ng dating bus.
Mag-iwan ng puna