Uso din ang pag-gamit ng Bisekleta dito sa Toronto Canada. Sa Downtown (ito yung lugar sa Toronto na maikukumpara mo sa Bonifacio Global City o BGC sa atin) ay marami kang makikitang nag-bibisekleta.

Masasabi ko nga na-ini encourage ang biking dito sa Toronto, Canada. Kahit ang mga bus rito ay may lagayan ng bisikleta sa harap. Meron rin sign akong nakita sa isang bus stop dito sa Toronto na nag-papaalala na gumamit na lang ng bisekleta para sa climate change.

Mayroon ding mga bisekleta na pwede mong arkilahin. Marami rin akong nakitang mga bike racks sa mga establishments dito sa Toronto area sa Canada.

Bicycles For Rent

Maganda at maluwag ang daan dito sa Canada. Malamig ang hangin. Pero mainit din kapag Summer.

Kapag dumating ang winter ay ikukewento ko naman ang karanasan at mga na-obserbahan ko tungkol sa pagbibisekleta dito sa lugar ng Toronto, Canada.

Posted in

Mag-iwan ng puna