Noong dumating ako dito sa Canada naka “lock” pa rin ang cellphone ko dyan sa atin sa Pilipinas. Ibig sabihin hindi ko magagamit ang cellphone ko na dala ko dito sa Canada. Dahil naka-lock ang cellphone ko sa Pilipinas ay hindi ko magagamit ang “sim only plan” na kinuha ko dito sa Canada.

Kaya sa mga pupunta rito sa Canada, dapat ay siguraduhin ninyong naka- “open line” o “unlocked” ang cellphone nyo upang magamit nyo ang kukunin ninyong bagong “sim” dito sa Canada.
Mahalaga ang cellphone dito sa Canada at ang pagkakaroon ng “telephone number” mo ay magagamit mo sa pag-kuha ng Social Insurance Number (SIN). Ang cellphone din na may sapat na data ay magagamit mo sa pagtravel o sa pagsakay mo sa mga bus gamit ang mga apps gaya ng “google maps” at iba pa.
Madali bang kumuha o magkaroon ng cellphone dito sa Canada? Para sa isang international student, madali lang basta dala mo ang iyong passport at letter of acceptance (LOA) sa school. Mayroon kasi silang tinatawag na “student promo” noong nag-inquire kami sa Rogers. Ang Rogers kasi ang katapat ng Globe o Smart dito sa Canada.
Sa student promo, makakakuha ka ng latest na Iphone o Samsung sa murang halaga. Bukod sa Rogers, mayroon rin ibang telecom companies rito kagaya ng Bell at Telus na nag-oofer din ng cellphone ibat-ibang cellphone plans.
Noong nag-inquire ako sa Rogers ay mabait ang staff na nakausap ko. Ibang lahi sila. Wala akong napansin na Pilipino. Dito nga sa Canada ay napansin kong marami na talaga ang mga Indian Nationals. Karamihan naman ay mababait silang kausap.
Hindi madali magpa -openline ng cellphone dito sa Canada. Kaya uulitin ko po ang advise sa mga pupunta rito sa Canada na dapat ay naka-openline na ang phone mo. Ito ay para kung mag-decide kang kumuha ng “sim only plan” ay madali mong magagamit ang cellphone na dala mo galing Pilipinas.
Kapag bagong dating ka sa Canada, dapat kasi ay maging masinop at matipid ka. Kahit madali lang kumuha ng mga “cellphone plans” na may kasamang latest phone kagaya ng Iphone o Samsung ay mas okay pa rin ang maging matipid.
Gaya sa atin sa Pilipinas, mas mura pa rin ang “sim only plans”. Kaya sa unang lapag mo rito sa Canada at habang hindi ka pa nakakahanap ng trabaho, mas matipid pa rin kung magagamit mo ang dati mong cellphone na dala mo sa Pilipinas. Saka ka na lang mag-upgrade kung meron ka ng magandang trabaho.
Pag-lapag mo rito sa Canada ay hindi naman “instant” na may trabaho ka khit meron kang open work permit o ikaw ay international student. Kahit marami nga ang trabaho rito (kung hindi ka mapili) ay daraan pa rin sa proseso ang iyong application.
Kaya huwag pa ring kalimutan ang ang magtipid. Isiping mabuti kung dapat bang kumuha agad ng latest na Iphone o Samsung. Kung magagamit pa naman ang dati mong cellphone sa Pilipinas mas mura pa rin ang “sim-only plans” dito sa Canada.
Mag-iwan ng puna