Naranasan mo na bang mahuli o masita ng MMDA Traffic Enforcer habang nagmamaneho ka ng sasakyan? Ikwento mo rito ang naging karanasan mo, kabayan.
Kung driver ka ng sarili mong sasakyan o isa kang jeepney, taxi o grab driver ay malamang naranasan mo na ang mahuli o masita ng traffic enforcer ng MMDA. Kapag nangyari sa iyo ang ganito, ano ang una mong reaksiyon? Nagagalit ka ba sa enforcer at nakikipagtalo? Nakikiusap ka ba na sana ay patawarin ka na lang sa violation mo? O ikaw ba yung tipong nag-iimbento ng palusot para wag kang tiketan ng enforcer?
Kapag nahuli ka ng MMDA traffic enforcer, ang dapat mong gawin ay kumalma ka lang at maging mahinahon. Irespeto mo ang traffic enforcer dahil ginagawa nya lang ang kaniyang tungkulin. Higit sa lahat, wag na wag kang mag-bibigay ng pera o anumang bagay para palusutin ka ng enforcer sa violation mo! Mas mabuti pang matiketan ka keysa dumagdag ka pa sa korupsiyon sa ating bansa.
Kung kailangan mong mag- explain, magpaliwanag ka ng may-paggalang. Iwasan mo ang mag-taas ng boses o magalit. Huwag kang makipag-debate sa traffic enforcer. Ang kalye ay hindi ang tamang lugar upang makipagtalo.
Ayon sa procedure o guidelines ng MMDA, kung sa opinyon mo ay mali ang inasal o ang pag-huli sa iyo ng traffic enforcer ay maari kang tumawag sa MMDA hotline 136 o kaya ay sa telephone number 882-41-51.
Maari mong kuhanin ang pangalan ng traffic enforcer na nakalagay sa kaniyang nameplate. Tandaan mo rin ang oras at lugar kung kailan at saan ka nahuli.
Pwede mong i-contest ang pagkakahuli sa iyo sa Traffic Adjudication Board, 4th floor MMDA Bldg. Orense street corner EDSA, Guadalupe Nuevo, Makati City. Kung mali naman ang inasal ng enforcer sa pag-huli sa iyo ay pwede kang mag-reklamo sa Technical Committee on Complaints (TCC) ng MMDA, 3rd floor MMDA Bldg. Orense street corner EDSA, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Mag-iwan ng puna