Minsan sa sobrang stress mo sa iyong trabaho parang gusto mo ng umalis. Naiisip mo ng mag-resign. Minsan hindi mo na talaga matiis ang boss mo o ang mga katrabaho mo. Naiisip mo rin na para bang nawawalan ka ng oras sa sarili mo o sa pamilya mo kaya naiisipan mo na lang ang mag-resign sa iyong trabaho. Siguro naiisip mo rin na mag-negosyo na lang kasi kulang ang sweldo mo at dahil sa sobrang trapik at sa dami ng gastusin ay kulang na kulang na ang iyong kinikita.
Kung ano man ang iyong dahilan kaya mo balak mag-resign sa iyong trabaho, dapat huwag kang magpadalos-dalos. Huwag kang basta-basta mag-reresign! Pag-isipan mo ito ng mabuti! Pag-isipan mo ng mahigit sa sampung beses bago ka mag-resign. Tandaan mo na mahirap ang mag-hanap ng trabaho sa ngayon. Alalahanin mong uli ang hirap na pinagdaanan mo noong naghahanap ka pa lang ng trabaho.
Bago ka mag-resign ay mas mabuting maghanap ka muna ng ibang trabaho. Mas madali ang naghanap ng ibang trabaho kung may trabaho ka. Ang sabi nga nila, it is easier to find a job, if you have a job. Kaya bago ka mag resign ay mas magandang strategy ang maghanap ka na muna ng iyong malilipatan.
Bago ka mag-resign i-relax o gawing kalmado muna ang iyong isipan bago ka gumawa ng isang mabigat na desisyon. Kung desidido ka na talagang mag-resign, dapat ay magbigay ka ng 30 days notice sa iyong employer ayon sa regulasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ibig sabihin dapat mga isang buwan pa lang bago ka mag-resign ay nakapagbigay ka na ng abiso sa iyong employer. Ang dahilan nito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang iyong pinapasukan na makahanap ng iyong kapalit. Magiging maganda rin ang record mo sa iyong kumpanya kung magbibigay ka ng notice bago ka umalis. Kapag nagbigay ka rin ng notice ay masasabing wala kang sama ng loob sa pag-alis mo at ikaw ay isang totoong propesyonal na tao.
Meron din mga exceptions ang batas sa pagbibigay ng notice sa iyong pag-reresign. Pero kung ang sitwasyon mo ay wala sa mga nasabing exceptions ay huwag mong kalimutang magbigay ng notice sa iyong employer. Mag-paalam ka ng maayos sa iyong boss. Do not burn bridges. Kapag umalis ka ng maayos at walang samaan ng loob sa iyong employer ay higit na magiging magaan ang paglipat mo sa bagomong trabaho.
Kung mayroon kang karanasan tungkol sa iyong pag-reresign na gusto mong i-share o kung may tanong ka, opinyon o gustong ma-clarify ay mag-comment ka lang.
Mag-iwan ng puna