Isang bagay na maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay si Jose Rizal. Very proud nga akong malaman at mapuntahan ang rebulto ni Rizal dito sa Canada. Sabi nga nila, halos saan mang sulok ng mundo ay mayroong rebulto si Rizal.
Noong nandun ako sa Earl Bales Park kung saan matatagpuan ang rebultong ito ni Rizal ay naalala ko rin noong binisita ko ang bahay ni Segunda Katigbak sa Batangas. Si Segunda ang isa sa mga naging girlfriend ni Rizal.
Nakakatuwa talagang isipin na kahit dito sa Canada ay mayroong rebulto ang ating pambansang bayani. Hindi lang sa Earl Bales Park sa Ontario, Canada may monumento or nakatayong rebulto si Rizal. Mayroon din sa ibang parte ng Canada. Kapag may pagkakataon ay nais ko rin makita ang iba pang mga monumento ni Rizal dito sa Canada.
Ayon sa ating kasaysayan, noong bata pa raw si Rizal ay sinabi niyang magtatayo ang mga tao ng monumento para sa kanya. Alam nating lahat na ang sinabing ito ni Rizal tungkol sa pagtatayo ng mga rebulto nya ay nagkatotoo.
Noong binisita ko ang rebulto ni Rizal ay naalala ko rin ang Rizal Law. Alam mo ba kung ano ang Rizal Law? Ang Rizal law ay ang batas kung saan required ang pagbabasa ng Noli At Fili sa mga paaralan sa Pilipinas.
Ang unang nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere” ay isinulat niya sa Madrid, Spain at na publish ito noong 1887 (or 137 years ago). Ang “El Filibusterismo” naman ay nalathala noong 1891 (or 133 years ago). Sa madaling salita, mahigit isang siglo na ang mga nobelang ito ni Rizal. In other words, Rizal’s novels are more than a century old!
Kahit mahigit isang daang taon na ang mga nobela ni Rizal, yung mga pananaw, aral, at istorya sa Noli at Fili patungkol sa buhay sa Pilipinas ay mahalaga at may saysay pa rin hanggang ngayon. Marami pa rin tayong matutunan sa pagbabasa ng Noli at Fili.
Ikaw naalala mo pa ba ang kwento tungkol sa magkapatid na Crispin at Basilio? May kilala ka bang naging katulad ni Sisa ang kapalaran? Uso pa ba ang katulad ni Maria Clara ngayon? May maihahalintulad ka ba kay Padre Damaso? Sino kaya ang makabagong Crisostomo Ibarra sa Pilipinas?
Nag eenjoy talaga ako tuwing binabasa ko ang Noli at Fili. Habang binabasa ko ang mga nobelang ito, it seems like travelling back during the Spanish times. Parang bumabalik ka sa nakaraan. Ito ang time na malinis pa ang Ilog Pasig. Siguro ganito kalinis ang Ilog Pasig noong panahon ni Rizal. Sana dumating ang araw na masagip natin ang Ilog Pasig sa kasalukuyan nyang kalagayan ngayon.
Totoo kaya na noong panahon ni Rizal ay sa Ilog Pasig nananalamin ang mga kadalagahan? Noong panahon daw ni Rizal ay malinaw at malinis talaga ang Ilog Pasig. Sana ay maging matagumpay ang mga proyekto ng gobyerno na linisin ang Ilog Pasig.
Ang monumento ni Rizal sa Earl Bales Park ay matatagpuan sa Bathurst Street. Ang Bathurst Street ay kilalang lugar sa Canada kung saan marami ang mga Pilipino. Dito rin ginaganap ang “Taste of Manila”. Isa itong event kung saan maraming mga Filipino Street Food at iba pang mga pagkaing Pinoy.
Proud talaga ako sa ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal. Kahit mahigit isang siglo na ang lumipas ay kinikilala pa rin ang kanyang kabayanihan. Sana sa paglipas ng panahon ay hindi natin makalimutan si Rizal.
Mag-iwan ng puna