Noong dumating ako dito sa Canada ay autumn or fall season na. Ito ang panahon ng tag-lagas. Ito ang panahon kung saan ang mga dahon sa mga punong kahoy ay nag-iiba ng kulay, natutuyo, at nahuhulog sa lupa. Para sa akin, ang fall o autumn ang pinakamagandang season sa Canada. Dahil sa nag-iiba ang kulay ng mga dahon sa puno ay nagiging makulay din ang buong paligid. After ng season na ito ay winter na kung saan nag-sisimula ng mag-snow.
Ang first snow experience ko sa Canada ay nangyari habang nasa school ako. Nakita ko sa bintana ng school ang unti-unting pagpatak ng snow. Parang mga maliliit na pirasong bulak na nahuhulog sa langit. Marami nga sa nga classmates kong pinoy ay naexcite lumabas ng school para ma-feel ang snow.
Kapag nakatira ka sa Pilipinas or sa iba pang tropical country, naiisip mo kung ano ang pakiramdam ng snow. Kung titingnan ang mga pictures at videos galing sa mga kaibigan at kamag-anak na nakatira sa ibang bansa kung saan ay nasa gitna sila ng snow at nag-eenjoy ay lalo kang magiging curious sa snow. Ano ba ang pakiramdam ng snow?
Naglakad ako minsan nuong nag-snow. Pagkatapos mag-snow, ganito usually ang lagay ng mga daan dito sa Canada. Naranasan ko na rin noong nagkaroon ng snowstorm. Na experience ko na rin maglakad sa park habang may snow. Pagkatapos naman ng snow ay may mga truck na naglilinis ng snow. Madulas nga lang ang daan kapag pagkatapos ng snowstorm ay umulan.
Kapag hinawakan mo ang snow ay maihahalintulad mo sya dun sa yelo na namumuo sa freezer ng refrigerator. Pino ang snow na katulad ng yelo na inilalagay sa halo-halo. Ang snow ay parang kiniskis na yelo.
Kapag winter season ay hindi naman araw-araw na may snow. Dito sa Toronto, sabi nila, ay hind naman daw masyadong makapal ang snow kumpara sa ibang lugar sa Canada. Yung mga lugar sa Canada kung saan makapal ang snow at malimit ang snowstorm ay mura daw ang renta o presyo ng mga bahay.
Kapag may parating na snow, dapat ay akma ang iyong kasuotan. Masyado kasing malamig pag may snow at madulas ang daan. Pag dating mo sa Canada ay matutunan mo ang “layering” o ang pagsuot ng patong-patong na damit at jacket. Dapat din ay naka-winter boots ka kapag nay snow para protektado ang iyong mga paa sa lamig at maiwasan mo ang madulas. Ang snow kasi kapag natutunaw ay nagiging madulas.
Bilang International Student, may mga pagkakataon na kailangan kong pumasok sa school kahit may snow sa daan. Malaking tulong ang snow shoes at proper clothing para sa lamig.
Malamig talaga sa Canada. Gayunpaman, isa ito sa mga nagustuhan ko sa Canada. Malamig at sariwa ang hangin. Dahil sa lamig sa Canada ay naalala ko lagi ang Baguio at Tagaytay. Masarap kasi talaga ang pakiramdam ng malamig at sariwang hangin.
Okay, hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Kapag may tanong ka, mag message ka lang. Salamat sa iyong pagbabasa.
Mag-iwan ng puna