Kamusta na? Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sinulat kong ito. Kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, sabi nga nila, daanan mo lang. Huwag mong tambayan! Lahat ng bagay lilipas lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang bawat pag-subok at problemang dumarating sa ating buhay ay may karampatang solusyon.
Noong papunta ako dito sa Canada, ay nagkaroon ako ng mixed emotions. Nakaramdam ako ng lungkot kasi maiiwan ko ang Pilipinas. Maiiwan ko ang mga katrabaho, kaibigan ko, mga kakilala, mga pets ko at ilan pang mga bagay na mahalaga sa akin.
Kahit may lungkot, ay nakaramdam din ako ng saya. Exciting din ang magkaroon ng bagong simula. Oo, hindi madali ang magsimulang muli sa ibang bansa. Wala talagang nakakaalam kung ano talaga ang mangyayari kapag pumunta ka sa ibang bansa.
Sabi nga nila, if you will not take the risk, hindi mo mababago ang takbo ng iyong buhay. Kailangan mo minsan mag-take ng risk para maranasan mo ang ganda ng buhay. Dahil dito, ay nagdesisyon akong mag-take ng risk. Nag-decide akong maging isang International Student noong 2022.
Nasa airport pa lang ng Canada ay naramdaman ko na agad ang ilan sa hinahangad kong pag-babago. Napansin ko kaagad ang malamig na temperatura at malinis na hangin. Napansin ko rin na hindi gaanong trapik sa kalsada. Mabilis lang ang byahe.
Noong ilang araw na ako sa Canada ay nakita ko ang maayos na sistema sa pagtatapon ng basura. Ang mga bahay ay may tatlong klase ng basurahan. May mga kulay ito na blue, black at green. Yung kulay blue na basurahan ay para sa mga hindi nabubulok o yung mga pwede pang i-recycle. Ang kulay itim naman na basurahan ay para sa mga mapanganib na basura at ang kulay green ay para sa mga nabubulok.
Sa madaling salita, dito sa Canada ay mayroong maayos na segregation ng mga basura. May schedule din sa pagkuha ng basura. Ang mga basura ay once a week kung kuhanin ng truck ng basura.
Ang ibang basura naman tulad ng mga lumang gamit ay inilalagay sa harap ng bahay para kuhanin. Kung minsan ay nadaraanan ko ang mga basurang ito na sa tingin ko ay maari pang gamitin o ayusin. Itinatapon na lang ang ibang gamit na maari pang mapakinabangan kung aayusin ang mga sira.
Sa tingin ko ay hindi masyadong uso ang pag-papaayos ng nasirang gamit dito sa Canada. Mas gusto pa ng mga tao na bumili na lang ng bagong gamit keysa ipaayos ang nasira. Sa mga matagal na rito sa Canada, tama ba ang obserbasyon kong ito?
Kahit maayos ang sistema ng pagkuha ng basura at may mga basurahan sa maraming sulok dito sa Canada ay may nakikita pa rin akong mga kalat sa daan. Marami kasi ang hindi itinatapon ng tama ang kanilang mga kalat sa mga trash bins. Yung iba naman ay pasaway talaga o kulang sa disiplina.
Okay, salamat sa iyong pag-basa. Hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Kung meron kang nais ibahagi ay mag-comment ka lang. Hanggang sa susunod muli.
Mag-iwan ng puna