Kamusta? Sana habang binabasa mo ito ay okay ka. Sana ay nasa maayos kang kalagayan. Ano man ang iyong pinagdaraanan, huwag kang susuko! Tuloy lang! Huwag kang masyadong mag-alala. Umasa ka na lahat ng iyong mga suliranin ay may karampatang solusyon. Kahit gusto mo nang bumitaw, laban lang lagi!
Gusto mo bang mag-migrate sa Canada? Hindi madali ang mag-desisyong iwan ang lahat sa Pilipinas para mag-migrate sa Canada. Sabi nga nila, kapag ikaw ay nag-migrate sa Canada ay “back to zero” ka. Ibig sabihin ay magsisimula kang muli sa ibaba.
Noong dumating ako dito sa Canada noong August 2022 ay autumn or fall. Kapag fall season ay makulay ang paligid. Iyon din ang time na naitatanong ko sa aking sarili kung tama ba ang desisyon kong maging isang International Student dito sa Canada.
Kung gusto mong mag-migrate sa Canada, dapat pag-isipan mo ito ng ilang ulit. Marahil taliwas sa inaakala ng marami, hindi madali ang buhay sa Canada. Hindi pinupulot ang pera dito. Bawat sentimo na kinikita dito ay talagang pinaghihirapan. Kaya kung gusto mong mag-migrate sa Canada dapat pag-isipan mo muna itong mabuti.
If gusto mong mag-migrate sa Canada, ang una mong dapat ihanda ay ang iyong sarili. Kailangan decided ka talagang mag-migrate. Dapat wala kang alinlangan kapag nag-desisyon ka na mag-migrate sa Canada. Kapag dumating ka sa Canada, ang ibang mga expectations mo ay malalaman mong hindi pala gaya ng iyong inaakala.
Sa madaling salita, ang una mong ihanda ay ang iyong kaisipan. Kung may pangarap ka, ihanda mo ang iyong isip para marating ito. Reach for your dreams, no matter what! Sabi nga nila, kapag gusto may paraan. Kung gusto mo talagang mag-migrate sa Canada, gawin mo. Be positive! And, huwag mong pakinggan ang mga negative opinions sa paligid mo.
Nararapat ding alam mo ang dahilan bakit mo gustong mag-migrate sa Canada. Ang alam ko na isa mga dahilan ng marami kung bakit gusto nilang mag-migrate, sa Canada o sa ibang bansa, ay para guminhawa ang kanilang buhay. Ang iba naman ay gustong baguhin ang nakasanayang sistema ng kanilang buhay.
Madalas ako sa isang coffee shop dito sa Canada. Nakakarelax kasi dito habang umiinom ng kape. While enjoying coffee, naalala ko rin na marami akong naging alinlangan bago ako nag decide mag-aral dito sa Canada. Gayunpaman, ito ang ilan sa mga dahilan bakit nasabi kong “good move” ang desisyon kong mag-aral sa Canada.
Kaya kung gusto mong mag-migrate sa Canada, mahalaga ay desidido ka muna. Dapat wala kang alinlangan. Dapat fully committed ka sa iyong desisyon.
Okay, hanggang dito na lang muna ang aking kwento. Mag-comment ka lang kung may nais kang sabihin. Maraming Salamat sa iyong pag-babasa.
Mag-iwan ng puna