Ito na marahil ang tanong sa isipan ng karamihan, kung “okay” ba sa Canada? Marahil ay iba-iba tayo ng ibig sabihin ng salitang “okay”. Kung titingnan mo ang kalagayan ng mga kalye sa Canada ay mag-kakaroon ka ng ideya kung “okay” ba sa bansang ito. Masasalamin minsan ang kalagayan ng isang bansa sa kaniyang mga roads at infrastructure.

Napansin ko rito sa Canada na maayos ang mga daan at halos walang trapik. Mayroon ding mga walkway kung saan maari kang maglakad. Hindi rin ganuon kahirap ang mag-commute sa Canada. Hindi siksikan ang mga bus at subway. Sa halos 2 years ko dito sa Canada ay masasabi kong maginhawa ang pag-travel.

Totoo na minsan ay may delays sa mga bus at subway at kung rush hour ay marami ring tao. Gayunpaman, hindi ganuon kahirap ang pag-commute sa Canada kumpara sa pag-commute sa Pilipinas. Madali akong nakakarating sa mga gusto kong puntahan kahit commute lang. Walang pila na para bang walang katapusan para makasakay sa train.

Dahil din sa malamig na klima ay hindi ka pawisan at masyadong stressed pagdating mo sa gusto mong puntahan kagaya noong pumunta ako sa Graffiti Alley. Ang Graffiti Alley ay isang lugar sa Toronto kung saan ini-encourage nila ang mga inspiring artists at visual creators.

Noong nagtungo rin ako sa Harbour Square dito sa Toronto ay hindi rin ako nahirapan mag-commute. Noong napunta ako sa lugar na ito ay naalala ko ang Harbour Square sa Manila. Naisip ko na sana ay fresh din ang hangin sa Harbour Square sa Manila katulad ng dito sa Toronto.

Pagdating sa transportation system ay masasabi kong okay dito sa Canada o sa may area ng Toronto. Hindi gaanong siksikan at hindi ako nahihirapan bumiyahe. Maayos kang makakarating sa iyong pupuntahan.

Hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito para mag-encourage na pumunta o mag-migrate ka sa Canada. Ibinabahagi ko lang ang karanasan ko at mga naoobserbahan ko.

Sa kalye din ng Canada ay marami akong nakikitang homeless o iyong mga palaboy sa kalsada. Minsan maiisip mo, bakit sa isang mayamang bansa tulad ng Canada ay marami pa rin ang mahirap? Kung meron kang nais sabihin tungkol sa tanong na ito ay mag-comment ka lang.

Hanggang dito na lang muna. Sana ay nasa maayos kang kalagayan habang binabasa mo ito. Maraming Salamat.

Posted in

Mag-iwan ng puna