Totoo ang sinasasabi nila, hindi madali ang buhay sa Canada. Pero sa lahat naman ng bagay na makapagpapabuti ng ating buhay, wala naman talagang madali.
Kaya sa lahat ng dumaraan ng pag-subok sa buhay, laban lang! Magdasal at magtiwala sa ating Panginoon. Basta, kahit anong mangyari huwag susuko. Dapat laging laban lang! Kapag napagod, pahinga lang sandali. Tapos laban uli!
Sa ating buhay, marami talaga tayong pag subok na mararanasan. Kung minsan ang mga pagsubok na ito ay para bang wala ng katapusan. Para bang panghihinaan ka na ng loob. Minsan ay maitatanong mo, kung bakit dumating pa ang ganitong suliranin o pagsubok sa iyong buhay. Maraming bagay kang naitatanong. Kung minsan ay naiisip mo na sumuko na lang.
Tandaan mo, kahit anong mangyari, huwag kang susuko. Kapag napagod, pahinga lang. Pagkatapos, laban uli. Subukan mong muli! Maniwala ka lang lagi na kaya mo yan! Kapag inisip mong kaya mo ang isang bagay ay magagawa mo ang lahat. Walang magiging imposible sa iyo.
Mag-iwan ng puna