Kapag nandito ka na sa Canada ay mami-miss mo talaga ang mga pagkaing pinoy. Mabuti na lang maraming mga lugar rito na pwede kang makakain o makabili ng mga totoong pinoy na mga luto at ulam.

Dito sa Seafood City Market ay marami kang makikita na mga kababayan natin. Makakabili ka rito ng mga street foods gaya ng fishballs, tokneneng at kikiam. Mayroon din ditong mga inihaw na barbecue at tilapia. Pagkatapos mong kumain ay pwede ka ring mag-groceri dito ng mga pagkaing paborito mo sa Pilipinas.

Masarap din dito kumain sa Bella’s Lechon. Marami ring mapagpipilian na pagkaing pinoy dito gaya ng bopis at lechon paksiw. Dito ay lulutuin pa ang mga “silog meals”. Kapag kumain ka rito ay para ka na ring nasa Pilipinas.




Ang Jollibee dito ay unli o bottomless ang mga Softdrinks. Ito ang napansin ko noong una akong nakakain sa Jollibee dito sa Canada. Sa may Scarborough Town Center (STC) ang unang Jollibee na nakainan ko sa Canada.
Dito sa Jollibee sa STC ay marami ring ibang lahi ang kumakain dito bukod sa ating mga Pinoy. Sa opinyon ko ay mas masarap ang Jollibee sa Pilipinas. Iba pa rin ang lasa ng Jollibee sa atin!
Kapag tapos ka ng kumain ay karaniwan ng nililinis ng mga customer ang kanyang pinag-kainan dito sa Canada. Tapos itinatapon nila ang kanilang basura ng maayos. Sa atin sa Pilipinas, napansin ko na karamihan ay basta-basta na lang iniiwan ang kanilang pinag-kainan. Sana ang ugaling ito ay ating mabago.
Mag-iwan ng puna