Kamusta na? Ang tagal ko ring hindi nakapag-sulat dito. Naging busy kasi ako sa aking trabaho at sa iba pang mga bagay. Kamusta na dyan sa atin sa Pilipinas? Napanuod ko nga sa balita na tapos na ang election ng mga senador, mayor at iba pang mga posisyon. Marami pa lang natalong artista at mga kilalang tao. Sa tingin ko ay nagbabago na rin ang pananaw ng ating mga kababayan tungkol sa pulitika.

Noong nasa Pilipinas pa ako ay lagi kong iniisip kung ano ang itsura ng Canada. Tinatanong ko sa aking sarili kung bakit marami sa ating mga kababayan ang gustong makarating dito. Tinatanong ko kung bakit marami ang gustong umalis sa Pilipinas at manirahan na rito sa Canada. Maraming kwento tungkol sa ibat ibang karanasan nila dito sa Canada. Iba-iba ang opinyon kung tama ba ang mag-simulang muli dito sa Canada. May mga naging maayos ang buhay. Ang iba naman ay hindi naging mapalad dito sa Canada.

Upang magkaroon ka ng idea kung ano ang itsura ng Canada ay samahan mo akong mag-lakad o mamasyal sa Canada. Tuwing may free time ako dito sa Canada ay nag-lalakad ako. Walking ang isa sa mga gusto kong gawin. Marami kasing benefits ang pag-lalakad. Tuwing nag-lalakad kasi ako ay narerelax ang isipan ko. Bukod sa pag-lalakad ay mahilig din ako mag-laro ng chess. Noong dumating nga ako rito sa Canada ay inalam ko ang mga lugar kung saan pwedeng mag-laro ng chess. Sa ngayon ay online na lang ako nag-lalaro ng chess. Tama talaga ang sinulat ko noon na “online” ang bagong paraan ng pag-lalaro ng chess.

Pagkatapos ng work ko ay malimit akong bumisita sa coffee shop. Dito ay nag-lalaro ako ng chess online. Libre at malakas kasi ang internet sa coffee shop na ito. Pagkatapos kong tumambay dito ay nag-lalakad ako kung maganda ang panahon gaya ng spring at autumn season. Tuwing summer ay masyadong mainit ang panahon at kapag winter naman ay sobrang lamig. Kaya ang magandang pag-kakataon para mag-walking ay spring at autumn season. Tuwing autumn o fall season ay nag-lalakad ako sa Morningside Park. Ang linis ng hangin at ang mga dahon ng mga puno at halaman ay nag-babago ang kulay. Ang ganda pag-masdan ng mga kulay ng dahon at halaman. Ito ang maganda rito sa Canada, mararanasan mo ang four seasons.

Spring season ngayon sa Canada. Katatapos lang ng winter. Bumalik na ang mga nalagas na dahon ng mga puno at halaman. Green na uli ang kapaligiran. Tuwing winter kasi ay parang nakakalungkot ang mga lugar dito sa Canada at sobrang lamig. Kailangan ay makapal ang suot na damit at may winter boots pa kaya hindi madali ang maglakad. Ngayong spring season ay marami ang nag-jajogging or walking. Ang panahon ay hindi masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig. Sakto lang talaga sa pag-lalakad.

Nag-lalakad ako dito lang sa may area ng Toronto sa Ontario. Tuwing may pag-kakataon ay mag-bivideo ako para maibahagi ko ang mga napuntahan ko. Dito kasi kapag nag-lalakad ako ay feeling safe ako. Malinis din ang mga daanan. Pinupulot din ng mga may alagang aso ang dumi ng kanilang pet. Pero, kahit saang lugar ay mayroon talagang mga pasaway. Gayunpaman, karamihan ng mga tao dito sa Canada ay sumusunod sa mga regulasyon. Maayos ang lugar at pwede ka talagang mag-lakad sa ibat ibang lugar. Wala akong napansin dito na may mga subdivision kung saan may guard na hihingian ka ng ID para ka makapasok. Dito ay maaari kang mag-lakad hanggat kaya mo.

Maganda ang Canada. Pero hindi rin madali ang buhay dito. Kailangan mong maging masipag at matiyaga. Mataas din and cost of living dito. Ilang taon pa lang ako rito ay nami-miss ko na ang Pilipinas. Kaya habang narito ako ay naisip ko na tuklasin ang magagandang lugar rito. Naalala ko nuong nagpunta kami sa Alberta. Ang ganda at ang linis talaga ng Moraine Lake.

Kung may pagkakataon ay gusto ko rin mag-laro ng chess. Noong nasa Pilipinas pa ako ay mahilig akong sumali sa mga chess tournaments. Nakasali na rin ako sa chess tournament dito sa Canada na ginanap sa Harthouse Chess Club sa University of Toronto. Nakita ko rin dito sa Toronto si GM Gukesh. Si Gukesh ang kasalukuyang World Chess Champion.

Hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Kung meron kang tanong ay mag-comment ka lang. Maraming salamat sa pag-basa mo at sa panunuod mo ng aking mga video.

Posted in

Mag-iwan ng puna