• Noong dumating ako rito sa Canada, ang una kong napansin ay ang magandang transportation system nila. Ang pagsakay ng bus ay hindi stressful. Ang mga bus ay may number at may mga designated bus stops.

    Mayroong “Presto Card” na ita-tap mo sa pagsakay sa bus. Ang card na ito ay may tinatawag pang “free transfer” sa loob ng dalawang oras. Ibig sabihin ay libre ang iyong pagsakay-sakay ng bus sa loob ng dalawang oras. Basta hindi ka lalampas ng dalawang oras ay hindi mababawasan ang laman ng iyong card. Ang bayad sa pagsakay ng bus, at this time, ay 3.25 Cad Dollars.

    Masasabi kong maayos at may sistema ang pagsakay dito ng bus. Hawak mo lang iyong cellphone gamit ang “google maps” ay madali mo ng mararating ang iyong destinasyon. Malalaman mo rin gamit ang app na ito kung ilang minuto darating ang bus.

    Sa simula ay nakakapanibago ang sistema ng pagsakay dito ng bus sa Canada. Kailangan mong i-request ang designated bus stop kung saan nais mong bumaba. Hindi ka pwedeng pumara kung saan mo na lang gusto kagaya sa Pilipinas.

    Mayroon ring “priority seating” para sa mga matatanda at sa mga may kasamang bata. Hindi rin masyadong siksikan ang mga bus. Mayroon ding pagkakataon na maraming tao sa bus. Pero “tolerable” ang dami ng tao na sumasakay sa bus.

    Mabilis din ang byahe at halos walang trapik. Wala ring mahabang pila. Ang mapapansin mo ay ibat ibang lahi ang makikita mong sumasakay sa bus. Karaniwan ng may makasabay na Pilipino sa bus.

    Ang mga bus dito sa Canada ay halos walang maitim na usok na inilalabas. Maganda rin ang disenyo ng mga bus kung saan “accessible” para sa mga PWD.

    Itong mga obserbasyon na ito ay nalikom ko dito sa may Ontario, Canada po lamang.

  • Nag-apply ako ng MP2 sa Pagibig Fund sa kanilang branch sa may Commonwealth Avenue sa Quezon City.

    Dito sa branch na ito ng Pagibig ay umaga pa lang marami ng tao ang nakapila. Kaya dapat kung mayroon kang transaksyon sa Pagibig ay maaga kanmating dito. Kung kaya mo, alas-sais pa lang ng umaga nandito ka na.

    Pangalawang balik ko na ito. Noong una kasi akong pumunta, tanghali na ng dumating ako. Mga alas-diyes na ng tanghali yun. Nung nagtanong ako sa guard ang sabi niya ay bumalik na lang ako bukas ng mas maaga. Wala na raw kasing number. Ibig sabihin ay naka-quota na. Mayroong limit kung ilang tao lang ang pwedeng pumasok sa loob ng opisina ng Pagibig sa isang araw.

    Kaya ang tip ko kapag mayroong transaksiyon ka sa Pagibig, lalo dito sa kanilang branch sa Commonwealth ay dapat maaga kang dumating at pumila. Mas mabuti rin kung pupunta ka ng Martes, Miyerkules at Huebes. Sabi nila mas marami raw ang mga tao tuwing Lunes at Biyernes.

    Dahil maraming tao ang nagpupunta sa Pagibig, dapat ay lagi kang may baon na pasensya. Tyaga lang. Matuto kang maghintay at sumunod sa pila.

    Kapag nagtatawag na ang guard ay makinig kang mabuti. Kapag nalampasan ang iyong number dahil hindi mo narinig, ay mauunahan ka ng ibang nakapila. Maari ring balik kasa hulihan ng pila.

    May proseso naman kapag natawag ka. Airconditioned ang loob ng opisina ng Pagibig. Mababawasan ang init ng ulo at katawan mo kapag nakapasok ka na sa loob. Lagi mo lang titingnan ang number na nasa screen para wag ka malampasan.

    Bago ka rin pumunta sa opisina ng Pagibig ay tingnan mo na rin online kung ano ang mga requirements. Alamin mo na rin kung qualified ka sa mp2 program ng Pagibig para hindi masayang ang oras mo.

    Masasabi kong sulit ang hirap at mahabang pila sa Pagibig para magkaroon ka ng mp2 account. Malaki kasi ang magiging interes ng investment mo dito sa mp2. Madali pa ang mag-invest. Pwede mong gamitin ang gcash mo para maghulog. Kaya kung gusto mong magsimula ng investment ay bisitahin mo ang website ng Pagibig at tingnan ang benepisyo kapag nagkaroon ka ng mp2 account.

    Simulan mong mag-invest. Kahit pakonti-konti lang. Sa pagdaan ng panahon, malalaman mong malaki na ang pera mo dito na magagamit mo sa iyong pagtanda o ano mang mga bagay na gusto mo.

  • Totoo ang kasabihan na maikli lang ang buhay natin. Mabilis lang lumipas ang panahon. Hindi natin namamalayan, bagong taon na naman.

    Kaya dahil maikli lang ang buhay, hindi natin dapat sayangin ang panahon. Bawat minuto ay mahalaga. Kapag nagdaan na ang oras, wala na yun. Hindi na maibabalik ang mga nagdaang araw sa ating buhay.

    Maikli lang ang buhay kaya dapat natin itong ma-enjoy. Ang tanong lang ay paano natin ma-eenjoy ang ating buhay?

    Upang ma-enjoy natin ang ating buhay nararapat na matuto tayong mag pasensya sa mga malilit na bagay. Yung mga “small things” na nakakagalit sa iyo, hayaan mo na lang. Let it go! Halimbawa, inunahan ka sa pila, may nag-sungit sa iyo, nasagi ang motor mo o kaya naman ay nagasgas ang sasakyan mo ng hindi sinasadya. Hayaan mo na yun. Maliit na bagay lang yun.

    Kapag natuto kang mag-pasensya sa mga maliit na bagay at kaya mo na itong palampasin ng para bang walang nangyari ay mababawasan ang iyong mga problema. Minsan kasi dahil lang sa maliliit na bagay na kaya naman natin palampasin ay hindi natin na-eenjoy ang ating buhay.

    Mag-pasensya sa mga maliliit na bagay. Learn to let go! Kapag natutunan mo ang simpleng paraan na ito ay tiyak na maeenjoy mo ang buhay.