• Marami ako nami-miss mula ng dumating ako sa Canada noong August 2022. Isa na dito yung mga dogs ko. Tuwing umuuwi kasi ako galing trabaho ay very happy sila na makita ako. Nakakawala talaga ng stress kapag nakikita ko sila na nagtatalunan at kumakahol sa tuwa tuwing dumarating ako sa bahay. Totoo talaga ang sinasabi nila na kapag meron kang mga alagang aso ay marami itong maidudulot na benefits sa iyong buhay. Ito ang ilan sa masasabing kong mga dahilan bakit kailangan mo mag-alaga ng aso.

    Isa rin sa nakakamiss kapag dumating ka sa Canada ay ang mga nakasanayan mong street food sa Pilipinas. Maraming mga pinoy ang nakaka-miss ng street food kaya tuwing Taste of Manila sa Bathurst ay marami ang pumupunta.

    Dito sa Canada ay may mga nagbebenta rin ng street food gaya ng nakita ko sa North York. Malapit sa Nathan Phillips Square ay may nakita rin akong nag-bebenta ng street food. Ang mga karaniwang ibinibenta sa mga stalls na ito ay sandwiches at ice cream.

    Kung gusto mo ng fishballs, kikiam at balut, may nakita ako dun sa Bathurst. Ang Bathurst Street, Toronto, Canada ay ang isang lugar dito sa Canada kung saan mayroong Filipino community. Dito rin malapit ang Earl Bales Park kung saan may rebulto si Jose Rizal.

    Dahil may pinoy community dito, ay para ka lang nasa Pilipinas. Mayroong mga Filipino Bakery, Parlor, Bar at Restaurant. Kung nasa Canada ka at miss na miss mo na ang Pilipinas ay magtungo ka lang sa Bathurst. Pwede ka ring pumunta sa Jollibee dito sa Toronto. Pero, para sa akin mas masarap ang food ng Jollibee sa Pilipinas.

    Okay. Salamat sa iyong pag-babasa. Kung may nais kang sabihin ay mag-comment ka lang.

  • Kamusta na? Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sinulat kong ito. Kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, sabi nga nila, daanan mo lang. Huwag mong tambayan! Lahat ng bagay lilipas lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang bawat pag-subok at problemang dumarating sa ating buhay ay may karampatang solusyon.

    Noong papunta ako dito sa Canada, ay nagkaroon ako ng mixed emotions. Nakaramdam ako ng lungkot kasi maiiwan ko ang Pilipinas. Maiiwan ko ang mga katrabaho, kaibigan ko, mga kakilala, mga pets ko at ilan pang mga bagay na mahalaga sa akin.

    Kahit may lungkot, ay nakaramdam din ako ng saya. Exciting din ang magkaroon ng bagong simula. Oo, hindi madali ang magsimulang muli sa ibang bansa. Wala talagang nakakaalam kung ano talaga ang mangyayari kapag pumunta ka sa ibang bansa.

    Sabi nga nila, if you will not take the risk, hindi mo mababago ang takbo ng iyong buhay. Kailangan mo minsan mag-take ng risk para maranasan mo ang ganda ng buhay. Dahil dito, ay nagdesisyon akong mag-take ng risk. Nag-decide akong maging isang International Student noong 2022.

    Nasa airport pa lang ng Canada ay naramdaman ko na agad ang ilan sa hinahangad kong pag-babago. Napansin ko kaagad ang malamig na temperatura at malinis na hangin. Napansin ko rin na hindi gaanong trapik sa kalsada. Mabilis lang ang byahe.

    Noong ilang araw na ako sa Canada ay nakita ko ang maayos na sistema sa pagtatapon ng basura. Ang mga bahay ay may tatlong klase ng basurahan. May mga kulay ito na blue, black at green. Yung kulay blue na basurahan ay para sa mga hindi nabubulok o yung mga pwede pang i-recycle. Ang kulay itim naman na basurahan ay para sa mga mapanganib na basura at ang kulay green ay para sa mga nabubulok.

    Sa madaling salita, dito sa Canada ay mayroong maayos na segregation ng mga basura. May schedule din sa pagkuha ng basura. Ang mga basura ay once a week kung kuhanin ng truck ng basura.

    Ang ibang basura naman tulad ng mga lumang gamit ay inilalagay sa harap ng bahay para kuhanin. Kung minsan ay nadaraanan ko ang mga basurang ito na sa tingin ko ay maari pang gamitin o ayusin. Itinatapon na lang ang ibang gamit na maari pang mapakinabangan kung aayusin ang mga sira.

    Sa tingin ko ay hindi masyadong uso ang pag-papaayos ng nasirang gamit dito sa Canada. Mas gusto pa ng mga tao na bumili na lang ng bagong gamit keysa ipaayos ang nasira. Sa mga matagal na rito sa Canada, tama ba ang obserbasyon kong ito?

    Kahit maayos ang sistema ng pagkuha ng basura at may mga basurahan sa maraming sulok dito sa Canada ay may nakikita pa rin akong mga kalat sa daan. Marami kasi ang hindi itinatapon ng tama ang kanilang mga kalat sa mga trash bins. Yung iba naman ay pasaway talaga o kulang sa disiplina.

    Okay, salamat sa iyong pag-basa. Hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Kung meron kang nais ibahagi ay mag-comment ka lang. Hanggang sa susunod muli.

  • Noong dumating ako dito sa Canada ay autumn or fall season na. Ito ang panahon ng tag-lagas. Ito ang panahon kung saan ang mga dahon sa mga punong kahoy ay nag-iiba ng kulay, natutuyo, at nahuhulog sa lupa. Para sa akin, ang fall o autumn ang pinakamagandang season sa Canada. Dahil sa nag-iiba ang kulay ng mga dahon sa puno ay nagiging makulay din ang buong paligid. After ng season na ito ay winter na kung saan nag-sisimula ng mag-snow.

    Ang first snow experience ko sa Canada ay nangyari habang nasa school ako. Nakita ko sa bintana ng school ang unti-unting pagpatak ng snow. Parang mga maliliit na pirasong bulak na nahuhulog sa langit. Marami nga sa nga classmates kong pinoy ay naexcite lumabas ng school para ma-feel ang snow.

    Kapag nakatira ka sa Pilipinas or sa iba pang tropical country, naiisip mo kung ano ang pakiramdam ng snow. Kung titingnan ang mga pictures at videos galing sa mga kaibigan at kamag-anak na nakatira sa ibang bansa kung saan ay nasa gitna sila ng snow at nag-eenjoy ay lalo kang magiging curious sa snow. Ano ba ang pakiramdam ng snow?

    Naglakad ako minsan nuong nag-snow. Pagkatapos mag-snow, ganito usually ang lagay ng mga daan dito sa Canada. Naranasan ko na rin noong nagkaroon ng snowstorm. Na experience ko na rin maglakad sa park habang may snow. Pagkatapos naman ng snow ay may mga truck na naglilinis ng snow. Madulas nga lang ang daan kapag pagkatapos ng snowstorm ay umulan.

    Kapag hinawakan mo ang snow ay maihahalintulad mo sya dun sa yelo na namumuo sa freezer ng refrigerator. Pino ang snow na katulad ng yelo na inilalagay sa halo-halo. Ang snow ay parang kiniskis na yelo.

    Kapag winter season ay hindi naman araw-araw na may snow. Dito sa Toronto, sabi nila, ay hind naman daw masyadong makapal ang snow kumpara sa ibang lugar sa Canada. Yung mga lugar sa Canada kung saan makapal ang snow at malimit ang snowstorm ay mura daw ang renta o presyo ng mga bahay.

    Kapag may parating na snow, dapat ay akma ang iyong kasuotan. Masyado kasing malamig pag may snow at madulas ang daan. Pag dating mo sa Canada ay matutunan mo ang “layering” o ang pagsuot ng patong-patong na damit at jacket. Dapat din ay naka-winter boots ka kapag nay snow para protektado ang iyong mga paa sa lamig at maiwasan mo ang madulas. Ang snow kasi kapag natutunaw ay nagiging madulas.

    Bilang International Student, may mga pagkakataon na kailangan kong pumasok sa school kahit may snow sa daan. Malaking tulong ang snow shoes at proper clothing para sa lamig.

    Malamig talaga sa Canada. Gayunpaman, isa ito sa mga nagustuhan ko sa Canada. Malamig at sariwa ang hangin. Dahil sa lamig sa Canada ay naalala ko lagi ang Baguio at Tagaytay. Masarap kasi talaga ang pakiramdam ng malamig at sariwang hangin.

    Okay, hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Kapag may tanong ka, mag message ka lang. Salamat sa iyong pagbabasa.