Ito ay base lang sa na experience ko noong nawala ang Driver’s License ko. Maari na iba ang maging karanasan mo sa pagkuha ng replacement ng lisensya mo. Pero, ang suma ng kwentong ito ay kapag nawala ang driver’s license mo ay pwede pumunta ka sa LTO Office Branch na pwede mong makita sa mga malls katulad ng Ever Gotesco Commonwealth. Ang dapat mong dalhin ay (1) Notaryadong Affidavit of Loss at (2) Government issued ID. Ang bayad ay P 200.00 mahigit.

Noong nalaman ko na nawala ang Driver’s License ko nagpunta ako sa opisina ng LTO sa Ever Commonwealth. Pagdating ko dun sinabihan ako na kailangang ng Affidavit of loss at valid ID. Kaya bumalik na lang ako. Okay lang naman sa akin ang bumalik kasi along-the-way lang naman ang mall na ito sa akin.

Noong bumalik ako sa opisina ng LTO ay may dala na akong Affidavit of loss pero hindi pa notaryado. Inisip ko kasi na may notaryo na duon o malapit o walking distance sa mall. Wow, mali pala! Ang pinakamalapit na notaryo ay sa kabilang bahagi ng kalsada ng Commonwealth na halos tapat ng Sandiganbayan.

Mabuti na lang at may sasakyan ako. Paano na kung wala? Hindi naman pwede lakarin ang opisina ng notaryo mula sa Ever Commonwealth. Pagkatapos kong mag panotaryo at makaltasan ng 100.00 ay bumalik ako sa Ever Commonwealth. Opo, nadoble ang babayaran kong parking fee.

Pagbalik ko LTO office, kailangan din daw ng xerox copy ng Valid ID na government issued. Kaya bumaba na naman ako para magxerox ng ID ko. Saan ako nag pa xerox? Dun malapit sa photography shop. Nagtanong ako kung saan. Mabuti na lang mayroong xerox sa loob ng Ever Mall. Mabuti na lang at hindi gaanong mahaba ang pila sa pagxexerox. Para sigurado, bukod sa valid ID ay nag xerox na rin ako ng Affidavit of loss.

Pag akyat ko sa taas ng LTO Office ng Ever ay dala ko na lahat ng kailangan. May babaeng empleyado nila ang mag aasist sa iyo. Ang napansin ko ay walang mga fixer dito. Malinid at maayos ang opisina. Noong dumating ako ay kaunti lang ang tao.

Nang naibigay ko na ang mga papeles ko ay pinaupo ako sandali at ng tawagin na ang pangalan ko ay pinaharap agad ako sa computer. Dito ay nag fill-up ako ng mga detalye tungkol sa lisenya ko gaya ng address ko at iba pa. Gumawa na rin ako ng password para sa online access ko sa LTO Portal. Sa mga hindi gaanong bihasa sa pag gamit ng computer, wag po kayo mag alala. Tutulungan kayo ng empleyado ng LTO at sasagutin ang mga tanong ninyo.

Ilang sandali pa ay natapos ko na i-fill up ang mga kailangang detalye para sa computer records ko. Sandali lang ako naghintay at tinawag na ang pangalan ko. Pag-lapit ko sa lamesa ng tumawag sa akin may mga kaunti syang tanong at pirma. Tinanong pa nga ako kung gusto ko mag pa-picture uli. Sagot ko ay hindi para makuha ko na agad ang lisensya ko. Ilang saglit lang ay na print na ang bago kong Driver’s License.

Maaari pa lang ganito ang proseso ng pagkuha ng Driver’s License. Mabilis at maayos. Gayunpaman, ang proseso na naikwento ko ay kung nawala ang iyong Driver’s License. Ibig sabihin ito po ay replacement lang ng lost Driver’s License. Kapag renewal ay madali na rin ang proseso. Pero kung ang Driver’s License mo ay expired na ng more than 3 years ay dapat ka nang pumunta sa main office ng LTO sa East Avenue, Quezon City.

Posted in

3 Na mga tugon sa “Paano Kung Nawala ang Iyong Driver’s License”

  1. Rogem pontemayor Avatar

    Gusto Kung makita records ng drivers license ko.

  2. Rogem Pontemayor Avatar
    Rogem Pontemayor

    Gusto ko makita records ng drivers license ko At license number.

  3. Jhonatan Avatar
    Jhonatan

    Nawala na po driver licence ko ng 10 years

Mag-iwan ng tugon sa Rogem pontemayor Pindutin ito para bawiin ang tugon.