Noong dumating ako rito sa Canada, ang una kong napansin ay ang magandang transportation system nila. Ang pagsakay ng bus ay hindi stressful. Ang mga bus ay may number at may mga designated bus stops.

Mayroong “Presto Card” na ita-tap mo sa pagsakay sa bus. Ang card na ito ay may tinatawag pang “free transfer” sa loob ng dalawang oras. Ibig sabihin ay libre ang iyong pagsakay-sakay ng bus sa loob ng dalawang oras. Basta hindi ka lalampas ng dalawang oras ay hindi mababawasan ang laman ng iyong card. Ang bayad sa pagsakay ng bus, at this time, ay 3.25 Cad Dollars.

Masasabi kong maayos at may sistema ang pagsakay dito ng bus. Hawak mo lang iyong cellphone gamit ang “google maps” ay madali mo ng mararating ang iyong destinasyon. Malalaman mo rin gamit ang app na ito kung ilang minuto darating ang bus.

Sa simula ay nakakapanibago ang sistema ng pagsakay dito ng bus sa Canada. Kailangan mong i-request ang designated bus stop kung saan nais mong bumaba. Hindi ka pwedeng pumara kung saan mo na lang gusto kagaya sa Pilipinas.

Mayroon ring “priority seating” para sa mga matatanda at sa mga may kasamang bata. Hindi rin masyadong siksikan ang mga bus. Mayroon ding pagkakataon na maraming tao sa bus. Pero “tolerable” ang dami ng tao na sumasakay sa bus.

Mabilis din ang byahe at halos walang trapik. Wala ring mahabang pila. Ang mapapansin mo ay ibat ibang lahi ang makikita mong sumasakay sa bus. Karaniwan ng may makasabay na Pilipino sa bus.

Ang mga bus dito sa Canada ay halos walang maitim na usok na inilalabas. Maganda rin ang disenyo ng mga bus kung saan “accessible” para sa mga PWD.

Itong mga obserbasyon na ito ay nalikom ko dito sa may Ontario, Canada po lamang.

Posted in ,

Isang tugon sa “Pagsakay ng Bus sa Canada”

  1. Glemir Avatar
    Glemir

    Ask lang Ako madali ba mag pr SA Canada may exam ba Ang pr SA Canada

Mag-iwan ng tugon sa Glemir Pindutin ito para bawiin ang tugon.