Dito sa Canada, particularly dito sa area ng Scarborough, Toronto ay napansin ko na maluwag ang mga kalsada. Halos walang trapik. Dito ay nararapat ay tumawid ka sa nakatakdang tawiran kasi mabibilis ang mga sasakyan.

Halos lahat naman ay sumusunod sa batas trapiko dito sa Canada. Pero may may ilan din akong napansin na hindi tumatawid sa tamang tawiran. Pero, ilan lamang ito. Mabibilang mo lang sa daliri ang hindi tumatawid sa tamang tawiran.

Kapag ikaw ay disabled ay mayroon kang maaaring pindutin sa may tawiran upang makatawid ka sa kabilang kalsada.

Ang masasabi ko ay maayos ang patakaran ng batas trapiko dito sa Canada. Kailangan ay lagi kang tumitingin sa mga traffic signal. Dapat ay lagi kang sumusunod sa mga patakaran dito. Gaya sa Pilipinas, dapat ay iwasan mo ang maging pasaway.

Ang mga batas trapiko ay para sa iyong kaligtasan. Kaya dapat tayong lahat ay sumunod dito kahit nasaan man tayo sa mundo.

Posted in

Mag-iwan ng puna