Maraming magagandang lugar dito sa Ontario, Canada katulad ng Toronto Centre Island kung saan ka sasakay ng water taxi pag-punta at pabalik dito.

Pero ang isa pinakasikat at napagandang puntahan dito sa Canada ay ang Niagara Falls. Ang falls na ito ang boundary sa pagitan ng USA at Canada. Mula dito sa Niagara Falls ay matatanaw mo na ang bahagi ng New York ng Amerika.

Maganda talaga ang Niagara Falls lalo na sa may Canadian side o iyong tinatawag na Horseshoe Falls. Dito sa bahaging ito ay malakas ang pagdausdos ng tubig kaya maraming nga turista ang narito upang lalong mapagmasdan ang falls.

Pinagmasdan ko dito ang isang bangka na puno ng mga turistang para bang nakikipaglaban sa agos ng Niagara Falls. Sa susunod kong pagpunta rito ay susubukan ko ring sumakay ng bangka para makalapit sa malakas na agos ng Niagara Falls.

Noong nagpunta kami rito ay nag stay kami sa Marriott Fallsview Hotel. Ang hotel na ito ay mayroong napakagandang view ng Niagara Falls. Tiyak na ang inspiring ng gising mo kapag ang iyong unang makikita ay ang Niagara Falls.

Sa pagsapit ng gabi ay nagiging kakulay ng Niagara Falls ang rainbow. Kamangha-mangha ang falls na ito habang nag-iiba ang kanyang kulay. At dahil gabi na ay dumoble pa ang lamig. Kaya dapat kapag bumisita ka sa lugar na ito ay may suot kang makapal na jacket.

Habang narito nga ako ay naalala kong bigla ang magaganda ring mga falls sa atin sa Pilipinas. Kahit narito na ako sa Canada ay lagi ko pa rin naalala ang ating bayan. Sana mapanatili ang ganda ng Niagara Falls at iba pang falls sa buong mundo para makita pa ng mga susunod na henerasyon.

Posted in

Mag-iwan ng puna