Nakakita ka na ba ng squirrel?
Tuwing may pagkakataon ay naglalakad ako dito sa neighborhood sa Canada. Ginagawa ko ang paglalakad para na rin mag-exercise at mabawasan ang stress. Dito sa neighborhood sa Toronto, Ontario ay maganda ang maglakad. Mayroon mga walkways na pwede kang maglakad at ikutin ang buong neighborhood.
Habang naglalakad ako ay may mga nakikita akong mga hayop. Nakakita nga ako ng wild rabbit sa isang Park malapit lang sa tinitirahan ko. Pero ang madalas kong makita tuwing naglalakad ako ay ang mga squirrels.
Ang mga squirrels ay nakikita ko na naghahanap ng pagkain, naglalaro, naghahabulan, umaakyat sa bakod at kung ano-ano pa ang mga ginagawa.
Natutuwa talaga akong tingnan ang mga squirrels. Karaniwan, ang kulay ng mga hayop na ito ay itim. Pero meron din akong nakikita na mga kulay brown.
Ang pagkakaroon ng mga ganitong hayop ay indikasyon ng magandang pangangalaga sa ating kapaligiran. Sana ganito rin sa Pilipinas.

